Posts

Isang Salamin ng Pag-aksaya

Sa tuwing may naririnig akong balita tungkol sa mga ghost project ng gobyerno, lalo na ng DPWH, para bang nadadagdagan ang bigat sa damdamin. Imbes kasi na makita natin ang mga proyektong makatutulong tulad ng kalsada, tulay, o mga gusali ang nakikita ay papel lamang, resibo, at pirma. Ang mas masakit pa, nakalista ito na “natapos” pero wala namang aktwal na nagawa. Parang multo ang mga proyektong ito nasa talaan pero hindi makita sa realidad. At sa bawat “multo,” may nawawalang budget na sana’y nagamit para sa mga mas nangangailangan: mga paaralan sa probinsya, ospital para sa mahihirap, o kalsadang makapagpapabilis ng biyahe ng mga magsasaka. Kung tutuusin, hindi lang pera ang ninanakaw ng ghost projects. Ninanakaw din nito ang tiwala ng tao sa pamahalaan. Kapag paulit-ulit na tayong nabibigo, natututo tayong mawalan ng gana, at minsan pati sa pakikilahok bilang mamamayan ay nagiging malamig na rin tayo. Pero sa kabila ng lahat, may isa rin itong paalala: ang pagbabago ay hindi magsi...